I woke up this morning, napaka-surreal ng dream ko. No, it's not about those unicorns and magic.
Possible eh. Pero to think na isa siya sa cast ng panaginip ko ay nagiging imposible ito.
Lagi ko siyang napapanaginipan. They say na "Pag napanaginipan mo ang isang tao, namimiss ka nun." So, namimiss niya ko?
Ha ha ha.
Maybe sobra na ako sa kapapanood ko ng mga movies at pag-iisip ko sakanya. Ugh.
Hinawakan niya ang mga kamay ko, at tumawid kami sa kalsada na punong puno ng mga sasakyan. Walang takot. Kahit alam naming mababangga kami, pinagpatuloy pa rin namin. Kasi magkasama kami.
And then I saw Angelie and some of our classmates, ginagalaw ako. Kinilig daw ako. Habang siya, nakasmile. Na I don't even know kung bakit.
Bakit ganun? He's different.
There are times na napapanaginipan ko din na, ang bait bait niya sakin. Hinahawakan niya ang kamay ko. Kinukulit niya ako. Pinaparamdam niya na may gusto siya sakin. And worse, hinalkan niya pa ko.
Ang pathetic ng panaginip ko.
I'm not really desperate na magkagusto siya sakin. It's just a fucking crush.
Hindi na malalampasan 'yon. Kasi once na lumampas ako sa linyang 'to. Patay.
Alam mo ba yung nanaginip ka tapos mag iiba na yung scenario? Parang biglang nag-jump ako sa next scene.
It's about Angelie. Kasama ko siya at si Piolo, pumunta kami sa isang cheap store na ang Acrylic organizer ay 50 pesos lang. Hahaha, gusto ko na kasing bumili nun kaso ang mahal sa SM.
Anyway, after naming magtingin-tingin. Nakita namin si Jed (na dating parang ka "MU" ni Angelie) at nasa labas siya, mukhang iniintay kami kanina pa. Pumunta siya kay Angelie at parang humihingi ng sorry. Gusto niyang bumalik sa dati. Pero napakaganda ng sinagot ni Angelie "Tama na Jed, hindi na pwede. Ayokong makasira ng relasyon." which is, in real life, may iba na "ata" ngayon si Jed.
Hindi ko alam kung ano bang rason at pinapakita 'to sakin ng panaginip ko? May dahilan ba? May gusto bang ipahiwatig?
I'm totally confused.
Another scenario is kasama ko ang ibang Socrates. Mukhang may pupuntahan kami.
Someone asked, "Saan niyo ba gustong pumunta?"
"Tara mag road trip!" sagot ko.
And then, ang saya saya kasi pumayag silang lahat. Again, kasama ko siya, lumalapit na naman sa akin at kukulitin na naman ako. How I wished, ganito ako kasaya sa totoo kong buhay.
Then I woke up. And reality hits me.
This is just a stupid dream. Hindi mangyayari.
It's so unfair. Hindi ako ganito kasaya sa totoong buhay, wala akong freedom magpunta kung saan saan kasama ang mga kaklase ko. I can't have "fun". I can't have him..
Kontento na ko sa buhay ko. Pero there's something missing here. Sa mundo ko.
Thank you. Kasi kahit panaginip, kaya kong maging masaya. Kaya kong ngumiti. May taong nagkakagusto sakin. May mga taong nanjan para sakin.
Thank you sa pagpaparamadam sakin kahit alam kong panaginip lang ito..
No comments:
Post a Comment