Hoy Blog ko,
I have this classmate na nung una, kaclose ko. Nag uusap about anime, movies, songs, lahat na ata napag-usapan na.
Pero hindi ko alam kung ano bang nangyare at naging.. aso't pusa na kami. Kahit parehas naman kaming mukhang pig. Hahahahaha.
Siya lang ata yung lalaking talagang hahampasin ako at kung ano anong pinangpupkpok sa ulo ko. Though kahit hindi masakit e naiimbyerna ako.
Lalaking talagang pupulaan ako at never na ata akong pupuriin.
Lalaking palagi akong inaaway.
Lalaking hindi gentleman pag sakin. Pero pag sa iba, ibibigay agad yung upuan niya.
Lalaking palagi na akong inasar.
Lalaking type na type akong bwsitin.
Pero bakit ganon? Dumating yung time na iniintay ko na lumapit siya, bwisitin ako, asarin ako.
Nakakapang-asa minsan kapag sinasabi ng iba kong kaklase na "Sa'yo lang siya ganyan."
Huh? Posible ba? Na magkagusto siya sakin?
Hindi e. Alam kong may past na siyang ka-MU na saksakan ng ganda. So, kung ikukumpara ako, nga nga na lang.
Pero everytime na naiisip ko yun, nakakasakit lang talaga sa bangs.
Can this be love? I'm feeling right now? Please say no. Kasi ayoko pa. Ayoko pang grumaduate sa pagiging bitter at pumasok sa grupo ng mga taong umaasang may forever.
Ayoko pang umiyak ulit nang dahil sa rejection. Ayokong umiyak ng dahil hindi niya ako pinansin o dahil iba ang gusto niya.
Ayokong maging jeje at mag posts ng mga nakakasukang love quotes sa facebook.
Ayokong maranasan yun ulit. Kasi bata pa ko, ayokong mag stay sa isang tao alam ko naman may hangganan. May katapusan.
Ayokong sundin ang puso ko.
Sana kaya kong magawa 'to lahat. Please, sana mapigilan ko 'to.
Nakakaiyak 'tong feelings na 'to. Ang dami ko namang naging crush this school year kaso crush na walang halong pake ang nararamdamn ko e. Iba 'to. Lalaking kasama ko araw araw sa room, Lalaking hindi ko pwedeng iwasan.
Wait. Iwasan? Oo nga noh? Simula sa Monday iiwasan ko na yung babe na yun.
Oo. Isa pa 'to. Babe yung tawag ko sa kanya kasi Babe means baboy. Hahahahahahaha! Yon. Payag naman siya. Katuwa nga e. Nakakasuka minsan kasi babe ako ng babe.
Sana totoo na lang.
Chos.
Chika lang 'yon. Hahahahaha.
Jeanne.
No comments:
Post a Comment