Yin And Yang Blog ni Taba: Bakit ba walang pumatol-patol sakin?

Saturday, October 18, 2014

Bakit ba walang pumatol-patol sakin?

“Ipaglagban mo kasi yung pagmamahal sa kanya.” banggit ng kaklase ko. Nanjan na naman sila. Ang walang katapusang pag-aadvice ng kani-kanilang love life. 


Sanay na ko sa ganito. Yung habang nag uusap sila tungkol sa LOVE life nila e nasa isang tabi lang ako at iniisip
 kung paano ba tatakbo ang buhay ko. 


Naranasan mo na ba yung ganito? Yung feeling mong exception ka sa isang grupo? Yung lahat sila meron, habang  ikaw, wala? 


Naranasan mo na bang mainggit? Kasi sila, may katawagan, may katext, pero ikaw, nabulok na ang cellphone? 


Naranasan mo ng madown? Na iniisip mo na ganun ba ko kapangit para NI ISANG tao walang may gustong magpakilala sakin? 



Naranasan mo ng malungkot sa pag-iisa? Literal na magisa kahit saan. Yung dalawa mong kaibigang nagliligawan ay nasa una habang nag-iisa ka sa likod? Third wheel kumabaga.



“BAKIT BA WALANG PUMATOL PATOL SAKIN?”  

Yan ang palagi kong sinasabi sa lahat ng kaibigan ko. Pabirong sinabi pero sa totoo lang, totoo na talaga. 



















“the girl worth fighting for”


Hindi naman ako ganung kapangit, napasali na nga ako sa Ms. Intrams nung Grade 6 e, kahit ako yung pinakataba  doon. 

May isip naman ako, top 3 nga ako sa klase e. 

Mabait naman ako. Halos naaabuso na nga minsan e. 

Mapagkakatiwalaan naman ako. President nga ng klase namin. 

E bakit ganun? Walang ni isang gustong magpakilala sakin? Walang may gustong maghi? O kahit maging friends man lang?

Walang humihingi ng number? Walang nagkakacrush? O Kahit nagagandahan man lang?


Minsan nga iniisip ko na lang na baka torpe lang kaya hindi ako ligawan?  

Pero ang punto ko, bakit ganun? Ganun ba kaimportante ang itsura sa pagmamahal? Halos lahat ng sexy at magaganda kong mga kaklase, may love life na. Habang yung DAMBUHALANG ikaw, nga nga. 

Weight ba talaga yung problema ko dito? Wala ba talagang magkakagusto sa isang baboy katulad ko? Na pag may nakita sila maganda e crush na agad nila? Liligawan? Sasagutin? Sabay break!? 

Tinry kong maging masaya. Sa Size ko, sa lifestyle ko..

Pero di ko na yata kaya. Kasi hirap na ko sa paulit-ulit na galaw nila sakin. Binging bingi na ko. 
Na.. Tatanungin nila. “Hindi ka ba nabibigatan sa sarili mo?” Honestly, oo. Hirap na hirap na ko. Physically and emotionally. 

Yung mga times na kaya nilang magsuot na fit na shirt tuwing P.E at ikaw, palaging naka-jacket kasi makikita nila yung taba mo. 

Yung naghihiraman sila ng damit pero di ka pwedeng manghiram kasi alam mong sikip. 

Yung kain lang sila ng kain at hindi nananaba. E ikaw, hindi na nga kumakain, ang taba pa din. 

Gusto kong maranasang ligawan. Hindi dahil una kang nagkagusto sa kanya o dahil atat siyang magkalove life, gustokong maranasang ligawan dahil mahal niya ko.


Liligawan niya ko dahil sa ugali ko, hindi dahil sa kung anong kilo ko o anong facial wash ang gamit ko. 

Mamahalin niya ko dahil ito ako.

Gusto kong maranasang bigyan ng flowers, chocolates at teddy bears. Gusto kong maranasang kiligin at palaging isiping “makikita ko na naman siya” tuwing may pasok.

Gusto kong magkaroon ng date sa Valentine’s Day. 

Gusto kong maging masaya. 

Alam mo ba kung gaano yun ka-unfair? Na bakit yung mga taong alam mong mas better ka ay may masayang love life? Yung mga taong ang sasama ng ugali pero may nagmamahal pa din sa kanila? 

Life is so unfair. 
You feel like na nasa America na sila e nasa airport ka pa din. 

Napag-iiwanan ka na ata ng tadhana. O talaga bang nagtraffic yung Mr. Someone mo at sobra niyang tagal? 

May nabasa ako, ang mga babae daw ay parang mga mansanas sa isang puno. Yung mga bulok, nasa baba, easy kung kukuhanin. Habang yung mga nasa taas na mansananas, mahirap abutin. Mahirap kuhanin. Kaya akala nung mga mansananas sa taas ay hindi sila maganda at walang magmamahal sa kanila, yun pala, kailangan lang nilang mag intay sa tamang lalaking kukuhanin sila. Yung mga matatapang na lalaking handang isakripisyo ang lahat para sa..


Napaisip tuloy ako, kasama kaya ako dun? Girl worth fighting for din kaya ako? May happy ending din kaya ako? May lalaki din bang matapang na abutin ang isang tulad ko?

Sana meron.. Sana. 

No comments:

Post a Comment