Well, hindi ako nagmana sa mommy ko. My mom is simple sa pananamit. Ayaw niya ng kahit anong kolorete sa mukha. Ayaw niya ding magpalagay ng nail polish sa kuko kasi masyado daw maduming tingnan. (Pero sa ngayon, kumikikay na din siya. Hahaha, Hi Mommy!)
On the other hand, my lola (mom's side, believe it or not) is KIKAY. Sobra. Mahilig siyang magmuse sa kung anong pageant. At nananiniwala siyang 'napakaganda' niya which is very very very true. Masasabi ko na ding medyo sikat siya sa barangay namin kasi nga, siya palagi yung muse dito. Hehe. At kahit matanda na siya, young na young pa rin. Kasi kahit sa damit, sobra niyang mapili. At hindi siya makakalabas ng walang guhit sa kilay at pulang labi.
Dahil lola's girl ako kasi 2 years old pa lang ako, siya na yung nag alaga sakin (nasa work ang mommy ko) Siguro.. sa kanya ako nagmana ng kakikayan ko sa buhay. Ako rin yung batang NEVER mong makikitang nasa labas kaya kahit dalaga na ko, hindi pa rin talaga ako gala. 'Yan kasi ang turo sakin ni Lola.
Kaya nga siguro hindi ako sporty kasi hindi ako marunong maglaro ng mga larong kalye which is very funny. Hahahaha.
Kagaya ng sabi ko kanina, bata pa lang ako. Mahilig na talaga ako sa.. fashion. Kasi kahit hindi ganun kasosyal ang mommy ko e ako ang ginawa niyang living doll. Isa pa, only child lang ako. Puro branded na damit at sari saring porma.
As I grow up, mas lalong lumawak ang isip ko pagdating sa ganung bagay. Lalo na nung naadik ako sa makeup with my bestfriend when I was in 5ht Grade. Yes, ganung kabata pa lang, nagmamakeup na ko. Well, nung Grade 3, may makeup book na talaga ako at kung ano anong kachurvahan ang pinaggagawa ko sa mukha ko. Isa pa, may dalawa akong pinsan na mahilig sa makeup. Hi Ate Lalaine and Ate Ruffa!
Naalala ko pa nung hiniram ko yung eyebrow pencil ng Ate Ruffa at nagdrawing ng SOBRAAAANG kapal na kilay. At yun, pinagtawanan lang ako. Hahahahaha.
Noon kontento na ko sa makeup book na bigay sakin ng Tita ko sa Italy at konting makeup galing sa Careline pero noong nag Grade 5 ako, dun na ko simulang nangolekta.
Dun na rin ako nanood ng iba't ibang youtube gurus like Michelle Phan, Bethany Mota, Dulce Candy at marami pang iba.
Noong una, nahihiya akong mag film sa sarili ko. Tanda ko pa paiyak na ko kasi wala akong tripod. Kaya nag ipon ako ng 500 galing sa baon ko para bumili.
Simula noon, palagi na kong nagiipon tapos may listahan pa ko ng mga makeup na gusto kong bilhin.
Time flies, dahil teenager pa lang ako at super sensitive ang skin ko. Nagkaroon na ko konti lang namang mga tagihawat pero nawawala naman kasi gumamit ako ng mga Ponds, Garnier. Yeh yeh, ganung edad, naggamit na ko ng facial wash at toner sa mukha ko.
Noong Grade 6 at 7, medyo nawala na ako sa mundong iyon. Nagfocus ako sa writing ko na nalaman kong may konting tago rin pala ako and another story to tell.
And now, Grade 8 na ko. Mahilig akong magpost ng mga OOTDs at noong July 2014, doon ako naadik kay Jenn Im (clothesencounters) nagsimula sa simpleng white shirt at shorts na OOTD ay mas lalo ng lumawak.
Nagsearch ako ng iba't iba pang mga Fashion Tips at nakakilala ng iba't ibang bloggers like Vern and Verniece Enciso, Tricia Gosingtian, Laureen Uy at sobra pang dami.
And dahil natutuwa ako everytime na nagsstyle ng damit. Kasi bata pa lang ako, mahilig na kong maglaro ng dress up games, mas lalo akong nainlove sa fashion.
Nagsimula na rin akong bumili sa Ukay- ukay. Oh oh! Alam ko sinasabi niyong napaka-ewww ko kasi dun ako bumibili but you know what? Hindi yun sa kung gaano kamahal o kamura ang isang damit kundi kung paano mo ito isusuot.
Thanks kay Ms. Hanako (ThriftyHanaKo) dahil sa kanya, mas lalo akong nagkaroon ng confidence na magsuot ng mga Ukay na damit.
Anyway, palagi na kong nagpopost ng OOTDs sa facebook account ko. And nakakatuwa kasi napansin ng isa kong classmate na si Rex na "favorite pose ni Jen Jen" Hahahaha.
Nakakatuwa din kapag sinasabi ng iba kong classmates ang mga katagang "Ang cute mo gang manamit!", "Grabe! Ang fashionista mo.", "Alaaa! Kaganda nung post mo kahapon".
Yes, ang saya sa feeling. Sa mga compliments.. lahat. Pero the thing is, I really don't care kung ilan ba ang likes ng picture ko. Kung 10, 20, 30, I DON'T CARE. Fame, money, or anything. This is my Happiness.
Iba yung feeling.. na nashashare mo yung ikaw.. yung totoong ikaw. Masaya. Nakakaproud. Lahat yon nafeefeel mo.
How you express yourself and how you make your own goal in life.
I'm 13 years old at sobra akong proud na hindi ako nabubuhay sa mundong ito to bring someone down, hindi ako nabubuhay ngayon para makipag-way. Sobra akong natutuwa kasi hindi ako katulad nung ibang ka-age ko na naging drug addict, nagiinom, naninigarilyo, nakikipagrelasyon kung kani-kanino, nabubuntis.
Nakakatuwa kasi sa edad kong ito mayroon na akong pangarap. Kasi sa ngayon, yung pangarap ko ang pinakaimportante sakin. Ang pangarap kong maging successful fashion stylist, magkaroon ng boutique, ng fashion magazine, makeup line.
Sabi nila, libre ang mangarap pero para matupad ito kailangan mo ng paghihirap at sakripisyo.
No comments:
Post a Comment