Random post. Nainggit ako kasi ni blo-blog din si Yakou sa Seigi no Mikata. Hihi.
Kamusta buhay? Wala. Kain, tulog cycle na naman. Akala ko pa naman makakapagpapayat ako ngayong bakasyon. Well, I hope so.
Bakit ganun? Dramas are way better than reality?
Kanina, habang naglalakad ako. Naisip ko, siguro nga si God yung author ng story natin tapos tayo ang director? Parang ibibigay lang niya yung plot pero tayo ang bahala kung ano ang magiging flow nito.
Hay. Inalis ko na ang facebook sa tab ko. I'm not really "ingetera" pero bakit ba lahat na lang ng nakalgay sa facebook either selfies or vacation sa ibang lugar? Lalo tuloy napapamukha sa sarili ko na wala pa akong napupuntahan ngayong bakasyon kundi ang kusina at kwarto sa bahay.
Bakit may mga taong magaganda? Yung tipong hindi na kailangang magpapayat. C'mon Jen! 3rd year high school ka na at ang taba taba mo pa din. Akala ko ba gusto mong sumikat at hangaan ng maraming tao? Kaso mukhang yung teddy bear mo lang ata ang humahanga sa'yo.
Ilang summer na ang nagdaan at isa lang yung pinapangarap ko.. ang pumayat. Pero never pang nangyayare! Instead, mas lalo pang nadadagdagan.
Hanggang daydream na lang ba akong may magpapicture sakin? Na yung pirma ko ay magiging autograph na? Na magugustuhan ako ng lahat ng tao?
I always ask myself. KAILAN BA AKO GAGANDA? Bukas? Sa isang araw? O next year? Ang tagal e. Pero paano ba ako gaganda kung hindi naman ako nag-eefort na gumanda?
Nasusura lang ako sa mga lalaking hindi daw nila tinitingnan ang ganda ng isang babae kundi ang kalooban nito. DAMN! Eh pag naman may nakita silang sexy na maputi at saksakan ng ganda e liligawan agad nila! Fudge!
Ayos lang kahit hindi mag-aral o kahit nambubully pa ng ibang tao! Basta MAGANDA. Wala e, yan yung generation natin. Unfortunately, mukhang mali ata ang generation na pinuntahan ng aking kaluluwa.
Ewan ko lang kung totoo, pero sabi nila, long looooong time ago, sa ibang bansa. Magaganda ang mga chubby at plus size. Haay. How I wish na bumalik na lang ako sa mga time na yun. Siguro ang dami ng flowers dito sa bahay? Hihihi.
Pero bakit ba hindi talaga ako pumayat? Hindi na nga ako nakain e. Siguro exercise! Kailangan ko ng exercise. Kaso.. palagi naman akong tinatamad. Actually, nagde-daydream na nga ako na nagsasayaw daw ako tapos ang daming humahanga sa mga moves ko. Kaso, in reality, mas matigas pa daw sa bakal yung katawan ko.
Alala ko pa nun, pwede rin naman akong matutong magsayaw di ba? Dancer ang daddy ko dati e. Bale may pwedeng pagmanahan? Argh! Yan na naman! Umaasa na naman ako!
Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa buhay ko. ARRRRRRRRRRRRRRGHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH.
No comments:
Post a Comment