Cliche title right? Pero who cares :)
Keep in mind na I'm 13 years old and a Grade 8 student.
So, I don't have the best advice but I just want to share some of my experiences.
Marami akong gustong itanong. Curious ako kumabaga. Ewan ko pero natatawa ako sa mga kabataaan these days, na puro love na lang nasa isip.
Yes, umiyak na ko ng dahil sa lalaki. Nagkaroon na ko ng puppy love. Nagkaroon ng ka MU at sangkatutak na crush. Especially nung Grade 7 ako. At hindi ko alam kung anong sumapi kay Jen jen na bigla siyang nagbago nung nag Grade 8 na siya.
Thanks na lang sa bagong mundong pinasukan ko.
I met the real world, kung saan kailangan mong maging palaban. Kailangan mong maggrow-up. Kailangan mong umiwas sa mga bagay na alam mo namang mali.
Ordinaryong estudyante lang ako sa school ko. Wala akong clubs. May few friends. Hindi ako ganung kasikat. Wala akong secret admirers. And I like it.
Nakakapanibago kasi dati, hindi ko kayang mag-isa, hindi ko kayang walang kasama kasi pihadong maraming magtataka na "Bakit kaya walang kasama si Jen Jen?" at ayoko ng ganun. Minsan kasi nagcoconclude agad sila na nagaway kami nung friends ko at marami pang iba.
Moving on, marami akong kabatchmate ang may mga ka-MU, boyfriends. Well, in my opinion, ayos lang yon. As long as, hindi mo napapabyaan ang pag-aaral mo. Ang akin lang kasi, bakit nauuso ang PDAs sa room? 13 years old!? Like heck di ba?
Bakit kailangan nilang maging "super" touchy? Di ba?
Nakakatawa pa nga kasi nagkwekwento yung mga classmates ko na may naging girlfriend daw siya ng 2 minutes. Weird pero alam ko at maaring totoo yun.
Nakakatawa na ginagawa na lang nilang laruan ang 'love'. Siguro dahil bata pa kami at wala pa kaming alam sa mga bagay na yun. Pero yung iba masyadong nagseseryoso at sa sobra nilang seryoso sa taong yun, willing silang gawin ang lahat for that person. At nasasaktan sila ng maaga.
Maagang mainlove, maagang masasaktan.
Another thing is, in our early age, dapat pag aaral pinaguusapan natin di ba? Kung gaano kasaya ang buhay? Minsan lang kasi 'to mangyari, minsan lang maging 12 or 13 or 14, at ang samang isipin na sa age mong yun, nasaktan ka agad ng dahil sa love.
I know, kung may love life ka, sasabihin mong hindi mo naman mapipigilan ah.
I know that feeling. Alam ko.
Like me, these past few days marami akong nagiging guy friends. Nakakatuwa kasi silang kasama. Parang natural. At 'medyo' natuwa ako dun sa guy friend kong yun. Kaso may iba siyang gusto, and yung 'crush' na naramadaman ko sakanya. Hindi ko sineryoso. Bakit?
Kasi alam kong temporary lang yun.
Hindi yun permanente (kaya nga temporary e -_-)
At hindi ko alam kung baka bukas o sa isang araw, mawala na yung nararamdaman ko.
Kung kaya ko, mas kaya mo.
Kung bata ka pa, kung may pangarap ka pa sabuhay.
Kung gusto mo pang maging architect, engineer, teacher o kahit anong course na gusto mong kuhanin.
Isipin mong para sa future ang pag aaral mo. Isipin mong minsan lang maging teenager.
Part of growing up, yes. Pero wag mong sirain ang kinabukasan mo ng dahil lang sa puppy love.
Magulo akong kausap alam ko. Pero isa lang mapapayo, kahit alam kong wala akong karapatang magpayo kasi 13 years old lang ako at marami pa kong matutunan sa buhay ko.
I-enjoy mo ang life. Look at the bright side ika nga. Wag kang magmadali.
Kung nasasaktan ka ngayon dahil sa love at nadala ka na, no worries. Magsimula ka ulit ng bagong buhay.
Bagong buhay ng pagiging isang kabataan.
No comments:
Post a Comment