Again, it's the typical morning for LAZY STUDENT like me. Ayoko na namang pumasok. Ayoko na namang masaktan sa realidad ng buhay ko na wala ng kwenta.
Good Thing, para macheer-up ako ng konti. May tricycle sa binabaan ko ng jeep at hindi ko naisipang maglakad. Nutrition day ngayon sa school namin. Plano ko talagang wag ng pumasok pero shutang inerns, naassign pa ko as a leader kaya kailangan present ako plus may mga dala akong kailangang dalhin or else, paktay ang group namin.
Maaga ulit sa room at konti pa lang ang mga estudyante, nandun yung iba kong 'friends' na nagseselfie and of course, ayoko namang masabihan ng KJ kaya sumama na rin ako.
Kailangan naming bumaba para sa decoration ng section namin kasama ang isang section din ng Grade 7.
Syempre, I do my best para makatulong.
Nung nagtitinda na kami ng foods, and I have these two classmates na well, let's say medyo mataray but I NEED to calm myself.
A lot of 'pagtitimpi', 'pagkakalma sa sarili', 'pagpipigil ng galit' ang nangyare sakin. Kasi first, I;m not that type of person na makikidebate for a simple thing. Hindi ako taong mahilig sa away.
I like to call myself na 'duwag' kasi ayoko talaga ng gulo and ayoko ng away.
Hindi makitid utak ko.
I hate this day. Madami pang nangyareng discussion pwera di natulong kesyo wala naman ginawa. All these things break my heart, kasi ako yung nagbayad ng lahat ng nagastos (buti, at binayaran naman) At ipon ko yun for my dream shoes na nakita ko sa Thrift Shop.
One of the most IMPORTANT thing kasi pangarap ko na talaga yun.
Ilang beses akong nagpigil. Ilang beses akong nagtimpi. Sa araw na ito lang.
Pero di ko kinaya, Madali akong pumunta Comfort Roo to 'comfort' myself.
Pagsisi, inis sa sarili. Lahat yon nilabas ko. Am I that fool na di kayang makisabayan sa agos ng buhay? Hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko?
Stupid me.
Pagbalik ko sa room, kinuha ko ang phone ko at nagbasa ng old convos with BESTFRIEND. Mas lalo pa lang masakit na pinapamukha mo sa sarili mo na ang tanga tanga mo?
Hindi ko kinaya ang sakit, kaya pumunta ako sa isa kong close friend (kasi sa lahat, siya talaga ang pinagkakatiwalaan ko.) Nilabas ko na AYOKO na dito.
Miss ko na sila.
Gusto ko ng magfast-forward.
Dapat nakuntento na lang ako dati.
Dapat di na ko lumipat.
Dapat naging thankful na lang ako.
Ang tanga.
Tanga ko.
Then, something happened. After the rain, unexpectedly a sun will show up to you.
Tinawagan ko ang mommy ko kung pwedeng pumunta sa 'old school' ko. Sabi niya, wag na daw kasi traffic at madami pang dahilan. Buti na lang sumama yung 3 ko pang classmates.
Masaya na nakit ako ulit sila. Nakasama ko ulit sila.
Paula will always be Paula. Still maingay at baliw.
Walang tatalo sa kalukahan ni Airah syempre, kasi inexcuse ko siya tas paalam niya lang mag-CCR siya. Hahaha, sabi namin nun, sabihin na lang na tumae siya XD
Then Haina, nakakatuwa kasi tinanong niya agad kung 'ano bang nangyare? Anong kadramahan ang tinext mo kay Paula?' Habang nasasaktan kasi ako, sa mga bestfriend ko ako lumapit agad.
Kaya nilang tiisin ang kadramahan at ka-emohan ko. Kaya nila akong intidihin.
Pagsasabihan ko sila ng lahat without being judged.
That's why I love them so much.
But what?
Nandito ako, nagsisi.
Kaya sabi ko sa sarili ko , "Why do 'I' have to go and make things complicated?"
Dahilan.. hindi ko talaga alam ang dahilan
No comments:
Post a Comment