Depressed na depressed ako. At wala akong mapagsabihan ng problema kong 'to. I think it's time para mag blog kasi ito na yung naging diary ko. Nakakahiya kasi kung sa Wattpad kasi ang dami kong kakilala dun.
Ito ba yung tinatawag nilang SEPANX? o SAD?
Separation anxiety disorder (SAD) is a psychological condition in which an individual experiences excessive anxiety regarding separation from home or from people to whom the individual has a strong emotional attachment.
Nakakainis. Worst Decision ever na lumipat ako ng school. Na umalis ako sa home ko.
Habang binabasa ko yung mga convo with my old classmates, nakakatawa. Why? 'New Environment' ang dahilan ko. Since Grade 4 na kasi ako sa school ko na yun and I thought, ngayong Grade 8 na ko, siguro, it's time na para magbago pero.. mali. Maling mali..
That school is the definition of MY perfection. Kind and friendly classmates, good facilities, though ang dami at sangkatutak ang projects, plates, assignment, lahat na! Pero feel na feel mo na wala lang yun because of 'fun'.
I'm not saying na masama ang bagong school ko. I love it actually. Welcome ako sa kanila. Sa teachers, students (some) especially the principal.
But yes, that's my point. Parehas masaya but still.. meron pa din sa puso kong masakit. May kulang. May mali.
Let's start sa environment. Sa school. Sa Campus.
Strict Guards. Bawal ang may kulay ang buhok which is nakakatawa kasi isa na ko sa namura ng guard. Bawal ang walang ID. Bawal ang naka-ordinary especially kung HS student ka lang. Bawal lahat. Miss those guards. Haha.
Yung place na pinagflaflagceremony ng mga HS na Engineering Department ata. Basta, dun ka pumupunta pag kukuha ng Entrance Examination. I miss that place.Yung mga rocks at mabato tapos hiwa-hiwalay yung semento (design daw yun) Palagi pa kong nag iingat dun kasi natatakot akong madapa. Nakakamiss ding maging late at dala dala ko pa ang mabigat kong bag kasi magsisimula na ang flag ceremony.
The loooooooong road. Natutuwa ako dito kasi para siyang subdivision kumbaga. May mga road, pedestrian lane. Lahat na! Pero masaya lalo na pag gusto mong mag emo, maglakad lakad ka lang dun, gagaan na ang loob mo.
Wait, nagkakaamnesia nako. At nalilimutan ko na ang mga lugar. Hahaha.
Oh! The Parking Lot. Okay, medyo walang silbi 'to kasi ang daming parking lot sa school na'to! Pero basta, nakakamiss ang batuhan! Hahahaha!
Hindi ba magpapahuli ang Cafeteria? Ang heaven na place ng katulad kong matatakaw? Actually, marami talaga ang parang canteen dito. May Erpats (Oh, how I miss that place talagaaa!) Dun kasi ako laging nagpapaload. Dun din ang bilihan ko ng sanyiro at pampuyod pati bilihan ng folder pag nalilimutan ng mga estudyante na may test nga pala!
At syempre, ang napakasarap na Graham Balls. Promise, walang katulad. Lahat ata ng graham balls sa school na 'to ay masarap at hahanap-hanapin mo talaga.
Isa pa, yung Backcave. Na tambayan namin nung Grade 4 kami. Ang saya kasing kumain dito kasi parang 'secret' place din 'to. Malapit din sa building ng Engineering at sa chapel. Konti lang yung mga tao dito mostly college yung dumadayo kasi masarap dung mag aral kasi nga TAHIMIK.
Isa ring malapit sa Backcave ang: Coop. Napakahelpful na lugar sa buong school na 'to. Pag kasi may nalilimutan kang school things, papel, manila paper, cartolina, ballpen, clay, pentelpen. Lahat na! May plastic cover din! LAHAT talaga ng kailangan mo nasa Coop na. Malapit din ito sa College of Education at malapit din sa Library. At nga pala, nagtitinda din ang Coop ng mga foods X)
Library na sobrang tahimik pero sa tuwing pumupunta ako dito, feeling ko nasa building ako sa ibang bansa. Ewan, weird nga e.
At sa tapat ng Library ang University Canteen.
OMG. Literal na napaOMG talaga ako.
The Shammy Bread! Yung Japanese cake! Yung candies na magwewelcome sayo! Yung kwek kwek, fishballs. May iba't ibang stalls na nagtitinda din ng cookies at nachos na favorite ko! Yung Shawarma, yung stall din ng mga coke kaso bawal na coke samin eh. Yung Siomao with Siopao pa ha! Ikaw pa ang mamimili kung Fried o Steam. Mayron din silang mangga, na sobrang bida sa mga estudyante! At ice cream din. Okay, tama na. Natatakam na ko :( At mas lalo ko ng namiss :(
Isa pa ding kainan sa school na 'to ay ang famous na TJs. Sino bang hindi pupunta dito? May hotdog, burger, C2, Iced Tea. May karinderya pa nga din sa tabi nun e na malapit din sa TLE room ng mga HS.
The paprintan na palaging sikip at sobrang daming elem, highschool, college student na nandito! Hindi lang kasi basta itong paprintan. May tinda din si Ate (yung nagpriprint) na mga sugo, hany, stick o at marami pang iba.
Isa din SOBRANG importanteng lugar sa school na 'to lalo na sa mga college students na madaming pinapaxerox: Ang xeroxan. Okay, palaging madami akong pinapaxerox dito lalo na pag may mga scripts. Urgh.
Yung Drafting Room na sobrang saya ng chairs! Room kasi yung ng 4th year tapos nag eexchange kami ng mga rooms pag Drafting Time namin.
Yung Freedom Park na nagsisilbi na ding 'Friendship Park' ng mga TI BI EPS ko. Ayoko ng madaming itype, baka umiyak na naman ako.
The Gym, yung court na humanda ka namang matamaan ng bola. Yung building ng mga elem, yung computer lab namin.
At mas nakakamiss ng bongga ang CABEIHM. Hahaha! Pati sa Auditorium! As in!
Yung Vendo Machine! Gosh, miss na miss ko na ang Iced Mocha. Yung Dubai na lumang building dun. Kahit luma yun, feeling mo nasa iba ka ng lugar pag nandun ka. Pati nandun din yung iba't iba pang building pati maintenance nandun din.
Yung mga taong palaging nagpapasaya sakin sa araw araw. Yung mga kabatchmate ko. Yung mga baliw na classmates ko. Mga best friends ko. Masyadong madaming memories para isa isahin ko pa yun.
Ang dami kong naranasan sa school na 'to. Umiyak ng dahil sa love life (Don't worry. HINDI NA HAHAHA) sa bestfriends, sa pag OOP, sa disappointment, natawa, naluka, nagpakabaliw, napahiya, nainis, nagalit, nagwala, madami.. maraming marami.
At sa 4 years ko sa Batangas State University? Ang pinaka The Best na 4 years ng buhay ko. And I MISS THIS SCHOOL SO MUCH.
Pwede pa bang bumalik? :)
(Picturesss soon :>)
No comments:
Post a Comment