Yin And Yang Blog ni Taba: Still

Sunday, April 20, 2014

Still

Magiging story sana kaso tinamad akong gawan. Kaya ipopost ko na lang sa blog. Haha.



Still.
Still hoping. Umaasa ako na baka gusto mo pa din ako. Na baka ako pa din. Na baka mahal mo pa din ako.
Still listening. Ang luma na ng kantang 'to. Pero hindi ako magsasawang pakinggan kasi kanta natin 'to.. dati.
Still fool. Kahit alam kong may iba ka ng mahal, na may iba ng nagmamahal sayo. Ang tanga tanga ko kasi sumingit na naman ako sa kwento mo. Kahit alam kong sa huli, ako yung talo.
Still believing. Na baka isang araw, magising ka na ako ulit yung laman ng isip mo. Ako na ulit yung tinitibok ng puso mo.
Still asking. Tinatanong ko palagi ang sarili ko na, "bakit ba ang tanga tanga mo?" Tinatanong ko na "hanggang kelan ba ako aasa sayo?" , "kelan ba titigil 'tong kahibangan ko?". Pero hindi talaga eh, hindi ko malaman laman yung sagot.
Still wondering. Kala ko ba mag iintay ka? Kala ko ba hanggang tayo sa huli? Pero bakit.. ang bilis naman ng 'forever' mo? Bakit ganito? Bakit ang daming nagbago? Bakit sa iba ka, at sa iba din ako? Bakit?
Still wishing. Sana ako na lang yung kachat mo palagi. Ako yung katext mo araw araw. Pero hindi eh, kasi siya na yung gumagawa niyan. Wala na akong karapatan para gawin ulit ko ulit yun sayo.
Still praying. Pinagdadasal ko na sana may second chance pa. Sana pwede kong ibalik yung dati. Sana may time machine ako para ibalik ko yung mga oras na sayo ako at akin ka.
Still concluding. Iniisip ko na siguro ikaw na yung kasama ko after five or ten years. Siguro ikaw na yung magsasabi sakin ng 'I love you'. Siguro ikaw. Pero, imposible.
Still blushing. Ineexpect ko na baka makita kita sa bintana. Baka masulyapan kita. Baka nandiyan ka lang sa labas. Kinikilig ako pag nababasa ko yung mga luma nating texts at chats pero napapaisip ako na hindi na nga pala pwede.
Still crazy. Hanggang ngayon baliw pa din ako sayo. Ikaw pa din palagi yung laman ng isip ko. Ikaw lang.
Still loving. Umiiyak ako ngayon. Kasi gusto pa din kita, mahal pa din kita. Puta, hindi tama 'to eh.
Sorry kung nilayuan kita dati.Sorry kung naiinis ako sayo datiSorry kung nakulitan ako sayo dati.Sorry kung nasusuka ako sayo dati.Sorry kung sinaktan kita dati at sorry kung ako naman itong si tangang minamahal ka ngayon. 
Maybe, I'm so stupid that I let this stupid heart falling for the same stupid guy over and over again.
And it's you. 


No comments:

Post a Comment