Yin And Yang Blog ni Taba: Naputikan ang sapatos ko

Tuesday, August 5, 2014

Naputikan ang sapatos ko

Habang papauwi ako kasama si Janine (greatest close friend eveeer!). Nung umaga, akala pa namin, walang klase kase ang lakas ng ulan pero gora pa din. At UNFORTUNATELY, may klase pa din :(


Masaya naman ang araw na ito kasi nagkwentuhan lang kami nina Lance, Remo, Kristal at Janine. At di na ako ganung nahohome-sick (Himala sakin, hahaha.)


So yun nga, uwian na. Habang papunta na kami sa dadaanan naman, may putikan dun at hindi ko talaga alam. Yung ibang estudyante din kasi hindi dun nadaan at ako naman parang "Hmm, pwede namang daanan. Matry nga." Yun! Tinry ko. At shutang inerns, ang dulas! Kaya sobrang naputikan ang sapatos ko, nalagyan na din ang pajama (Naka-P.E kami) ko



At taranta ako nun habang si Janine utas na utas kasi ang shunga shunga ko daw at sa putikan dumaan.


Sa gusto kong itry e..



Kaya yun, umupo muna kami dun sa tabi at kumuha ng mga papel at nagpunas ng sapatos. Like arrrgh! Nakita ko pang natatawa ata yung Grade 7 kaya nagsmirk na lang ako.


Mabuti na nga lang at hindi ako nadulas kundi NAKO, END OF MY LIFE na yun.





Pero nakakaregret di ba? Nagtry lang naman ako.. Sumubok lang.. Pero ang sama ng pag try kong yun.


Napaisip ako, nung una, alam ko ng mapuputikan ako, na madudumihan.. pero hindi ko pinigilan ang sarili ko.. kasi gusto kong magtry. Gusto kong alamin na what if.. dumaan ako dun? What if kung hindi?



Sa buhay natin, masyado tayong gaya-gaya sa iba to the point na hindi na natin nagagamit ang sarili nating isip at puso. Na pag tumalon yun isa, tatalon ka na din.


Yun pala, dapat nagtatry tayo ng ibang bagay.. para may matutunan tayong bagong leksyon sa buhay natin. New lesson di ba? Kaya ako, never na kong tatapak sa putikan!



But not all. Hindi lahat ng situation, natututo ka. Minsan, mas lalo ka pang nasasaktan. Kaya dapat you conclude first. Ask yourself na paano nga kung sinunod ko sila? Pano kung hindi?




As long as natuto ka sa iba't ibang bagay. Wag mong pagsisihan yun. Parte yun ng buhay natin, ang masaktan, madapa ngunit unti unting bumabangon at pinagpapatuloy ang takbo ng buhay.

No comments:

Post a Comment