Yin And Yang Blog ni Taba: Nasilam ka na rin ba?

Tuesday, August 5, 2014

Nasilam ka na rin ba?

Tuwing naghuhugas ako ng mukha, palagi na lang akong nasisilam.


Aksidente ko kasing nalalagyan ang mga mata ko.



Masakit. Mahapdi. Ayaw kong mumulat.



Natawa na lang ako kasi.. ang pagkasilam pala parang buhay natin.



Takot tayong gumising.. mas gusto nating manatili tayong nakapikit. Kasi everytime na minumulat mo ang mga mata mo, nasasaktan ka lalo.


Siguro kaya ang daming nagbubulagbulagan sa mundo noh? Kasi takot silang mas lalong masaktan..




Naduduwag sila.

Kaya siguro ang daming martir, mga takot mag move on at mag let go. Kasi ayaw nila mumulat sa katotohanan..


Ayaw nilang mag move forward sa mga bagay. Gusto nilang, manatili silang nakapikit.


Pero hindi ba habang natagal ang pagkasalim ng ating mga mata, baka mas lalong lumala? Baka maging dahilan pa ng pagkabulag ng isang tao.




Di ba dapat habang mas maaga pa, dapat gumagawa na sila ng paraan para mawala yung silam? Lagyan ng tubig para gumaling?



Siguro ganun din sa buhay natin. Kasi pag tumatagal, lumalala, mas malaki ang scar.




Habang maaga pa, we need to find ways. Pwedeng pumunta kang BDO kasi sila naghahanap ng paraan. Hahaha.

No comments:

Post a Comment