Narito na naman sila. Bubuksan ko ba ang pinto ko? Iwewelcome ko ba sila sa bagong mundo ko?
When I was a kid..
I'm a slut, a whore, malandi, "puro lalaki ang nasa isip", "ang unang babaeng mabubuntis sa batch natin", "walang direksyon ang buhay" at higit sa lahat, "ang babaeng walang patnubay ng magulang" dati. Sino nga bang elementary student ang makakagraduate na nagkaroon ng dalawang boyfriend, at sandamakmak na "crush" isama mo pa ang mga lalaking nakausap niya buong gabi hindi lang para makipag-kaibigan kung hindi ang "makipaglandian"? Sino nga bang 12 years old na babae na ang tanging hiniling na lamang sa buhay niya ay ang magkaroon ng boyfriend na magmamahal sa kanya? Sino nga bang bata na sa halip na hilingin ang mabuting kalusugan ng pamilya niya e, ang pagkakaroon ng boyfriend ang ipagdadasal araw-araw?Since bata pa ako, ako yung tipo ng batang bibo, maarte, kikay, at baka maging artista sa future. Ako yung batang feeling matured, sumasama sa usapan ng mga matatanda, mahadera, pero sa halip na nakakainis, nakakatuwa pa kasi ang cute nga naman. Day care pa lang may "gala" na akong tinatawag. Hanggang elementary, meron na kong nagiging "crush" sa school, sinusulat ko pa sa diary kung paano ko nakakasalubong ang mga "crush" ko.
Grade 4 noong lumipat ako sa bagong school, matataas ang grades ko, top 1 ako sa klase, marami akong kaibigan, kahit mga teachers sobra pabor sa akin. Hanggang sa nag-grade 5 ako, doon ko nakilala si 'Evan', kababata ko siya kasi kapitbahay namin yung lola niya. Simple lang ang buhay ko noon, kailangan ko lang i-maintain ang pagiging top 1 ko sa klase, meron pa akong group of friends, at sobrang akong tech-y kasi active ako sa mga social media. Kaklase ko noon si Evan, hindi ko na lang alam na naging "crush" ko na pala siya, nagtagal din yun ng ilang months. Syempre, dahil hindi ako yung tipo ng tao na mahilig magsikreto, purposely kong kinakalat ang pagkagusto ko kay Evan, natutuwa pa ako kapag ginagalaw ako ng buong klase, parang pabida lang ganon. Noon, wala lang yun kay Evan, mukhang okay lang sa kanya na magkagusto ako, pero hanggang doon lang yun, hanggang sa isang araw, nagbago na ang trato niya sakin. Lumalapit siya, nagpapapansin, at syempre kilig naman ako. Umamin siya sakin na gusto niya ako, sino ba naman ako para hindi matuwa di ba? Tinanong niya ako noon sa text kung pwede bang maging girlfriend niya ako, nakakatawa kasi ang awkward namin sa personal pero sobra niyang ingay sa texts. Ilang months ko rin yung inintay, syempre oo naman agad ako. Ganda e, sarcastically.
Fast forward, not really, pero tatlong araw lang naging kami. Partida, hindi pa kami nagkita ng personal pero break na agad kami. Simula noon, hindi ko na siya pinansin, hindi ko na siya pinakelamanan. Doon ko naman naging crush yung pinsan niya, si Van, well, noong grade 3 pa ata ako may gusto sa kanya pero ngayon, seryoso na. Gusto ko siya. Hindi ko alam kung bakit, basta, gusto ko siya. Ayaw niya sakin. Kabaligtaran ni Evan, pinaramdam niya sakin na ayaw niya sa isang katulad ko. Yun ang first rejection ko. Kahit sa auditon, hindi naman ako narereject, si Van lang talaga ang nireject ang isang tulad ko.
Grade 6, napalipat na ako sa first section, may mga bago na akong kaklase, kaso wala akong permanenteng kaibigan, wala akong group of friends kasi naiwan sila sa lower section. Lahat ng mga kaklase ko, masipag mag-aral, mas gusto pa nilang gumawa ng project kesa sa mag-saya. Sobra akong nahirapang mag-adjust sa bagong environment ko. Parang unti-unting nawawala lahat ng kasiyahan ko, ang mga kaibigan ko, ang grades ko na bumabagsak, at ang kumpletong pamilya ko. Doon ko nalaman na matagal ng may babae ang daddy ko, sa halip na mag-aral ako, icocomfort ko na lang ang mommy ko na umiiyak. Naalala ko pa noon, first time sa buhay ko na hindi ako nagaral for periodical test kasi kailangan ng mommy ko ng kausap. Alam ko na, na ang mga oras na yun, mawawala na lahat. Mawawala na "oh-so-perfect life" ko. Umiiyak ako tuwing gabi at tinatanong sa Kanya, bakit sa dinarami-raming pamilya, bakit pamilya ko pa? Ang hirap na wala kang makausap, natatakot akong sabihin sa mommy na bumababa na ang grades ko kasi ayaw kong madagdagan pa ang problema niya. Hinayaan ko ang sarili ko na mangibabaw ang puso ko. Kahit sa maling paraan, kailangan kong maging masaya.
Ito ang taon na nakilala ko si PJ, matagal ko na siyang kaklase, pero pure na kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. Isang araw, umamin siya sakin na gusto niya ako at kung pwede ba na maging kami (sobrang daling sabihin niyan kapag bata ka pa, ano nga ba ang ligaw di ba?) Doon ko naisip na kailangan ko ng escape sa problema ko, sa pamilya ko at sa pagaaral ko. Umoo ako kay PJ hindi dahil mahal ko siya kundi dahil yun lang ang alam kong paraan na magiging masaya ako. Mabait siya, alam kong genuine ang nararamdam niya sakin. Sobrang effort kaya minsan tinatanong ko ang sarili ko, sino bang mas nilololoko ko, si PJ o ang sarili ko? Masaya dahil naramdaman mong may nagmahal sayo, ang pagmamahal na hinahanap ko sa pamilya ko.
Noong malaman ni daddy ang about kay PJ, umuwi siya ng bahay ng lasing, as usual, umiiyak, humihingi ng tawad, habang sinasabi sa akin na "Ikaw lang ang baby ko at ako lang ang pwedeng tumawag non sayo." Naniwala ako, naniwala ako na baka ito na ang bagong simula. Baka magbabago na ang daddy ko after ng gabing yun, sa sobrang guilty ko, nakipaghiwalay ako kay PJ, alam kong kasalanan na ang umoo ako sa kanya kahit hindi ko naman siya mahal pero, hindi ba mas unfair sa kanya na ipagpatuloy pa?
Hindi rin nagtagal, bumalik na muli si daddy sa gawain niya, palaging lasing, minsan lang umuuwi, naghahanap na naman ako ng pagmamahal. Hindi ko maharap ang mukha ko kay PJ, dahil alam ko nasaktan ko siya. Ni hindi man lang ako nakapag-sorry sa kanya at iniwan ko na lang siya sa ere.
Nakilala ko noon si King, siya ang unang nagchat sakin, hindi ko alam kung anong naisipan ko noon at nagustuhan ko siya, unlike sa mga nagustuhan ko non, hindi siya gentleman, may pagka-bastos, pero hindi ko alam kung bakit ang tanga tanga ko at pinilit ko ang sarili ko sa kanya. Sinabi niya sakin gusto niya ako kahit alam kong hindi naman talaga yun ang pakay niya. Ako naman, tanga, naniwala na baka nga mababago ang isang bad boy na katulad niya, (I will blame the unrealistic stories na nababasa ko online that time.) Pero fictional stories are not meant to be in real life.
Kinonfront ako ng isang girl na may gusto kay King, na layuan ko raw si King. I let the words like "malandi, "walang sayo", "hitad", "uhaw sa lalake", conquer my life. Even teachers are confronting me na sino ba naman daw ako para angkinin ang isang lalake, ang bata bata ko pa raw, hindi naman daw ako ganito dati, isa lang akong sayang na babae. Wala akong makausap, wala akong pagtanungan kung tama ba ang ginawa ko at ano ang agagawin ko. I even questioned Him kung bakit iniwan ako ng lahat. Iniwan ako ng mga kaibigan ko, ng pamilya ko. Magisa lang ako at sobra kong naramdaman na wala na talaga akong kasama. I'm at my worst state. I attempt to cut myself, kahit hindi ko alam kung paano pero kailangan ko ng atensyon, kailangan ko ng kayakap, na mapagsasabihan ng lahat lahat. I was all alone.
Valentine's Day 2012, the worst day of my life. A guy friend told me na I deserve all the hate, all the rumors, the words na mas masakit pa sa taga, because I hurt PJ. I hurt someone that's why I deserve to be hurt as well. Na inutusan niya raw si King na paglaruan ako at saktan din sa huli kasi I DESERVE ALL OF THIS. Sa sobrang tama ng sinabi niya, ito ang ang unang beses na nakasakit ako ng tao physically, sinampal ko siya kasi tama siya, sinampal ko siya kasi ang sakit sakit na at wala na akong ibang alam na gawin sa sakit na 'to.
But I never learned. I still "crush" someone na wala lang and trying my best na maging akin sila. It's like drugs na nakakaadik, na nalunod ka sa mga fairytales, na you always think na may prince charming at ikaw ang prinsesa.
Finally, nakagraduate ako ng elementary noon, my mom and dad, malapit na sa broke up lstage. I know, my mom is deeply hurt, at wala akong alam na pwede kong gawin noon. Duwag ako sa pagpilit sa daddy ko, duwag ako sa lahat ng bagay.
High School.
Sabi ko, I need to be the better version of myself. Ang smooth ng simula, I met new friends, they told me na ang friendly ko and I really feel loved.
Narito na naman ang sarili ko na nagka-"crush". Then I met a guy named Yuan, half Taiwanese, half Filipino. I like him kasi mukha siyang mabait, may pagluko-luko but still a guy na nagseseryoso din. I like him so much and I tried na lahat ng ways na mapansin niya ako. Simuli siya sa contest sa aming school, and ang isang fangirl na katulad ko ay nadagdagan ng sangkatutak na fangirl(s) from different level. I'm so immature na nagalit ako sa mga fangirls na yun. Daig pa ang inagawan ng bias kumabaga. But it all ended noong sinet-up kami sa date booth ng isa akong friend. Sinabi ko ang nararamdam ko kay Yuan, but he told me, "I'm sorry kung nasaktan kita, siguro magiging friends tayo sa future."
Hindi ako nadala, nagkacrush ako sa iba pero yun na lang yun. Then here's Jaeron, nagustuhan niya ako, nagustuhan ko siya, tumagal yun ng almost 4 months pero wala rin. Nagdecide na akong lumipat ng school and my mom? Moved on na siya sa dad ko at nagprocess na siya ng legal separation, I respect her decision. Alam ko kung paano niya tinry na maging buo kami ulit, but maybe, yun lang talaga ang destiny ng buhay namin.
New school and the major change.
This is a new start for me. Almost lahat ng students hindi ko kilala. Hindi nila alam ang past ko from my former school. Hindi nila ako ijujudge na ganon akong babae. So I told myself, this is your time to be the best version. It's now or never. It's a choice and I choose to be different.
Lahat ng oras ko ginugol ko sa pagiging mabuting estudyante. Nag-aral akong mabuti, I lessen my friends dahil ayoko ng dramas, doon ko nadiscover, na meron pa palang mas titindi sa mga ginawa ko noon. May mga tao palang mas worse pa sa situation ko, and I want to be different. Ayokong makiblend sa kanila, kung dati, ako ang pinakamasama sa lugar na puno ng mabubuti. Ngayon, ako ang magiging mabuti sa lugar na puno ng mga masasama (I'm just exaggerating here, not all of them are bad)
I'm not happy. Sa sobra kong focus sa goal na yun, lahat pala pinasa na nila sakin. Lahat ng works, sakin sila umasa, assignments, project, all, it's my responsibility as a president pero worth it ba lahat 'to? I feel loved and respected for the first time, that's the pro. They always tell me na ang swerte nila kasi ako ang president nila, I feel overwhelmed but I'm still not happy kasi sobrang nakakapagod. I even ask myself, nagpapakatanga na ba talaga ako sa kanila?
You know what's the best thing here? I know I grow a lot. I learned a lot of things, na ang mundo ay hindi umiikot sa akin at sa prince charming ko.
For Grade 9, napalipat ako sa higher section and lahat ng pangyayari ay unexpected. I met a group of friends na minahal ko ng todo, I met my classmates, and I'm proud na sabihin na I really feel na belong ako sa isang grupo, na hindi ako ang naiiba at hindi ko kailangang baguhin ang sarili ko just to impress anyone. That's when I reach my happiness, because I choose to have it. I'm so thankdful and blessed sa mga taong nakilala ko. My whole world revolve around them, OT8, Kennedy, Newton, our advisers, these people changed my life. I'm contented na nakilala ko sila, ok na ako don siguro magiging extra win na lang if talagang magtatagal kami which is possible.
If you're asking me, hanggang ngayon ba nagkakacrush ka pa? Well, yes, it's natural sa isang tao ang maattract at magkagusto, I liked this guy for 3 years since then, I'm not hoping na mapansin niya ako or what. I just admired him and I don't ask for anything in return and I just realized na hayaan lang natin Siya naicontrol ang mga pangyayari sa buhay natin. Huwag nating paunahan, huwag natin pagmadaliin. Because this is the art of life.
Now, all these people from the past are coming back. Lilipat na sila sa school ko, noong una, sobra akong kinabahan, ang daming tumakbo sa isip ko, na babalik ako sa dati, na sisiraan ako. But really? Bakit ko hahayaan ang sarili kong icontrol na naman nila ang buhay ko?
Everyone has a chance to change something. Walang sinasabing oras, walang sinasabing lugar, kahit ngayon pwede ka ng magbago because change is a choice.
Disclaimer: The names are NOT the REAL ones. Yes, I'm still an innocent one, if you know what I mean. I would like to tell everyone to not judge someone just because their past are not good. Everything is temporary, from physical features and even intentions. I start from the worst and until now, I'm still trying to be better. Lahat tayo deserve ng pagmamahal at happiness.
I know, a lot of grammatical errors, that's why, nagaaral ako para maging mabuti ang pagsusulat ko.
Disclaimer: The names are NOT the REAL ones. Yes, I'm still an innocent one, if you know what I mean. I would like to tell everyone to not judge someone just because their past are not good. Everything is temporary, from physical features and even intentions. I start from the worst and until now, I'm still trying to be better. Lahat tayo deserve ng pagmamahal at happiness.
I know, a lot of grammatical errors, that's why, nagaaral ako para maging mabuti ang pagsusulat ko.
No comments:
Post a Comment