Yin And Yang Blog ni Taba: die

Sunday, April 23, 2017

die

die.

not because I want but because I need to.

hindi ko na makita ang sense ko bilang tao.

lahat ng kaligayan, pinagtatawanan.

lahat ng ginagawa kong mabuti, walang kwenta.

lahat ng ginagawa kong masama, palaging nakikita.

ayoko na.

ang sakit sakit na.

hindi ko na maramdaman ang sarili ko.

araw-araw na kong umiiyak dahil sa bagay na hindi ko masabi sa mundo.

palagi na lang akong nagtatago.

palagi na lang akong nasasaktan.

hanggang kailan ba matatapos 'to?

bumabalik na naman ang masasamang panahon.

bumabalik na ulit ang sakit.

pero ngayon, iba na ang dahilan.

nakakapagod ng masaktan.

nakakapagod ng sabihin sa sarili mo, na wag mo na lang intindihin

nakakapagod isipin na,

pag nawala ba ako, may magbabago?

pag nawala ba ako, may malulungkot?

pag nawala ba ako, iisipin nila na sana hindi na lang nila ginawa?

ano pa bang kailangan kong gawin?

ano pa bang kailangan kong patunayan?

ano pa bang silbi ng buhay ko sa mundong ito?

wala akong kwenta.

bilang anak, kaibigan, pamilya.

ang isang ako ay walang ginawa kundi isipin ang kanyang sarili.

ang isang ako ay manood lamang ng koreanong hilaw na hindi naman maintindihan ang salita.

ang isang ako ay magpapaganda lang habang buhay at wala naman akong mapapala doon.

ang isang ako ay magaalaga ng mga pusang mga wala ring silbi sa mundo.

ang isang ako ay nagsusulat ngayon kahit wala naman talagang silbi ang mga sinusulat niya.

nakakapagod maging ako.

ako na may pake sa lahat ng bagay.

ako na duwag.

nakakapagod na talaga.

No comments:

Post a Comment