Yin And Yang Blog ni Taba: Letter for my Future Self:

Tuesday, May 19, 2015

Letter for my Future Self:

May 19, 2015

Dear 25 year old Jen jen,

                                 Hello? Kamusta ka na? Uso pa ba ang blog sa taong yan? Pumayat ka na ba? May nanliligaw na ba sayo? Ang dami kong gusto sanang itanong sayo. 

Alam kong masaya ka kaya magpasalamat ka saken! Pero kung hindi ka masaya, sorry ha? Anyway, natupad na ba ang pangarap mong mameet si Michelle Phan? May nagpapicture na ba sayong mga "fans" mo? Lahat ba ng dine-daydream mo natupad na? Tsaka, may best friend ka na ulit? Sana hindi mo nalimutan sina Paula. Hanggang ngayon ba nagsisi ka pa rin sa desisyon mo? Alam kong may maganda yun nadulot sayo.

Nga pala, Engineer ka na ba? Yun ba yung kinuha mong course? Yun kasi yung gusto ng mommy mo para sayo. Pero alam mo, alam ko namang gusto mo talagang maging business woman kaso kailangang maging praktikal e. 

Galit ka ba rin ba sa mga tao? Mahilig ka pa sa mga pusa? Tanda mo si Tam tam at si Bimbim? Yung makukulit mong alaga dati. Sana may foam pa sa loob ng katawan ng mga yun. 

Maganda ka na. May trabaho, may freedom, at siguro mas matured ka na ngayon. Ikamusta mo nga pala rin ako sa mommy at Ate Shiela mo. 

Nga pala, nakikinig ka pa ba sa KPOP? Tanda mo nung sobra mong adik kay Tiffany ng Girls' Generation tapos ang lakas mong mag-imagine na balang araw magiging artista ka din kahit ang pangit mo namang kumanta. 

Sobra akong proud ako sayo kahti hindi pa kita nakikita o kahit nakilala man lang. Sobra kong saya kung nasaan ka ngayon. Kung sino sino ang mga taong nanatili sa iyong tabi simula noon hanggang ngayon. Alam ko natupad lahat ng pangarap mo. Alam ko.

Kung hindi man, huwag kang mag-alala. Marami pang oras at araw. Tutuparin mo iyan. 

Nga pala, nakapunta ka na ba sa Japan at Korea? Di ba gusto mong makakita ng cherry blossoms? Pakita mo naman pictures mo! Kakainggit! Gusto gusto ko ng pumunta dun e. 

Sana lahat ng taong sinabihan ka ng pangit at mataba. Sana napatunayan mo sa kanila na mali sila. 

Yung makeup collection mo? Mas lumaki na ba? Siguro isang barko na yan, noh? Alam ko namang yan talaga ang gusto mo e. Yan talaga ang pangarap mo. 

Tsaka nga pala, sana hindi ka na bitter. Kung nandyan na yung taong nagpatunay sayo na mali ang paniniwala mo sa pag ibig. Go na! Alam ko makakalakad ka rin sa altar habang nakatingin sa taong makakasama mo habang buhay. 

Nakita mo na ba yung mga lalaking nagbusted sayo nung elementary at high school ka pa? Nasapak mo na ba sila? Hahaha. Joke lang. Pero alam mo, hindi naman talaga sila yung para sayo e. Hindi ka naman mataba at panget, maganda lang hanap nila, ikaw kasi dyosa. Hahaha! 

Gusto kong mag thank you kasi ang tibay at ang lakas mo. Akalain mo yun, 25 years ka na sa planet Earth? Nakailang iyak at tawa ka na siguro. 

Sana hindi mo nakalimutan naging isa ka ring kabataan na punong puno ng pangarap. At nandyan ka para tupadin ang pangarap na yun. 

Maraming nagmamahal sayo, siguro ngayon, mas dumami na. 


Keep dreaming Jeanne Marc. 


Your ugly fat younger self,

15 year old Jen Jen 


No comments:

Post a Comment