I dreamed again last night.
Nasa old school ulit ako. Bumisita ako dun ng mag isa. Nung una, parang naghehesitant pa ang guard na papasukin ako kaya dinahilan ko na lang na "kukuha po ako ng grad pic" I have no idea kung bakit yun ang reason.
Pumunta ako kung saan saan at hindi ko mahanap ang mga kaibigan ko. Hanggang pumunta ako sa University Canteen at sobrang daming tao na nakatingin sa akin. Mukhang nagtataka kung saan ba ako galing.
Nakita ko rin yung dati kong crush na nagtataka din kung bakit ba ako nandon.
Hanggang sa may sumigaw ng "Si Jen jen!"
Nagtayuan at nagtakbuhan sila papalapit sa akin at wala akong nagawa kundi ang tumakbo rin. Hindi ko alam kung bakit.
Nakita ko si Ate Cyril, isa sa mga close friend ko at tinulungan kung saan pwedeng tumakas.
Hanggang sa nakarating kami sa labas ng school, buti na lamang at walang nakakita sa amin.
May mga sinabi siya sa akin (pero hindi ko na maalala.) Basta ang alam ko, isa yung payo saken.
Pabalik na kami sa school ng makasalubong namin ang principal. Nagtataka siya kung bakit ba nagkagulo ang mga estudyante sa paaralan na iyon. Kahit ako, hindi ko rin alam kung bakit.
Kaya napagdesisyunan ko na lamang umalis.. umalis na ulit ako. Aalis na naman ako.
--
Hindi ko alam kung bakit ko ba napapanaginipan ang mga 'to? Kontento na ko, nakamove on na kumbaga. Siguro'y sinusubok lamang ako ni God. Pero naguguluhan lang talaga ako kung bakit sa tuwing unti unti ko ng nalilimutan ang pagsisisi ko sa pag alis doon ay siyang lumalabas naman sa aking mga panaginip. Lord, guide me.
No comments:
Post a Comment