Yin And Yang Blog ni Taba: Death Dream

Tuesday, June 30, 2015

Death Dream

Wow. What a nightmare once again.

Nanaginip na naman ako ng mayroon mawawala sa aming pamilya. Last time na nagaganip ako ng ganito ay noong nawala ang aking lola.. 

At nawala nga talaga siya.



I'm freaking afraid on what will happen next. Hindi pwede siyang mawala. Ako na lang kesa sa kanya. Kailangan pa siya ng napakaraming tao. 


It all started noong tuwang tuwa ako dahil bumisita ang mga pinsan ko. Minsan lang mangayari 'to. You know how much I love reunions. 

Anyway, hindi ko na maalala pero next thing na nakita ko ay nasa harap na ko ng pinsan kong sobrang pula sa kakaiyak. Tumingin ako sa side at nakita ang napakasiglang ngiti ng aking tita sa larawan. Hindi ko alam kung bakit at paano nangyari yun sa kanya.



Umalis ako sa scenariong iyon at kumuha ng makakain sa kusina ngunit biglang may naramdam akong kumulbit sa aking kaliwang kamay. Nanginig talaga ako ngunit binalewala ko na lamang iyon


Tumaas ako sa aking kwarto at nakita ang mommy. Mukhang kagagaling lang niya sa iyak. Hindi ko na alam ang mga sunod na pangyayari pero bigla na lamang akong nalungkot at inalala lahat ng mga lesson na binigay niya sakin. Lalo na noong tunuruan niya akong gamitin ang isang bagay na alam kong magagamit ko sa aking pangarap.. Hindi ko na napigilan ang paghagulhul ko.








Nagising ako sa tawag ng aking mommy. Sobra kong tuwa dahil panaginip lang yon. Pagkagising ko, agad akong nagdasal kay God at buong araw inisip kung ano nga bang ibig sabihin ng panaginip na iyon.


No comments:

Post a Comment