August 28, 2014
It's Kristal's birthday! At syempre, at the same time, kinakabahan ako kasi ito na ang day ng contest namin. Pinili kasi ako ni Sir Alex na mag representative para sa essay writing. At first time kong sumali sa school about sa writing, mas pinipili kasi ako sa pagbasa or broadcasting. At talagang todo kaba ako, pero slight lang. As in, hahaha.
I need a sign. Sabi ko sa sarili ko, okay, fast forward na. Nagjeejeep ako papuntang school at meydo malakas ang ulan so basa basa ang paligid. Then nung pababa na ko sa jeep papuntang school ko..
NADULAS LANG NAMAN AKO DUN SA PINAKABABAAN NG JEEP LIKE ASDFGHJKL.
Good thing, hindi kasing dami ng dati ang estudyante sa waiting shed tapos liliban na kami. At as in! ANG SAKIT NG BALAKANG KO. Tatlo lang naman nakakita at wala naman akong narinig na tawa galing sa kanila habang nasa likod ko sila. Feeling ko nga nagiging blue na ang mukha ko sa sobrang hiya, pero maraming salamat kay God kasi hindi talaga ganun kadami ang tao.
And then I remembered na may sign nga pala ako, nalungkot ako. Ang malas ko naman! Siguro malas na rin hanggang mamaya at matatalo ako sa contest.
Iniisip ko yun hanggang lunch, so far so good naman wala naman sunod na malas na nangyari. Medyo takot pa nga akong umalis sa room kasi baka mamukhaan ako nung mga nakakita kaninang umaga.
Lunch time, dun kami sa may bintana sa side ng room namin kumain. Kasama ko si Kristal, Jade, Deiya, Janine at Angelie. And after lunch, contest na namin.
Bigla ko na ulit naalala ang nangyari kaninang umaga kaya nagdrama ako kay Angelie at kung gaano kasakit ang balakang ko, hanggang ngayon, masakit pa din habang nagtatype ako.
"Siguro talo ako sa contest, ang malas ng pasimula e." dagdag ko pa sa kwento ko.
Nagsmile na lang si Angelie "Hindi ah, siguro nga yung pangyayaring yun may meaning, sa tuwing nadadapa ka, unti-unti ka pa ring bumabangon. "
Clichè ng sinabi niya, masyadong common pero talagang nagpatatag sakin. So, I look at the bright side. Hindi na ko naging nega, manalo, matalo at least, I do my best and that's the important thing. Maaring maging tama yun sign, maaring hindi. pwedeng natripan lang talaga ng tadhana na padapain ako. Siguro sa una, masakit, mahapdi, malas pero pag nagtagal, unti unti kang bumabangon at natututo. Scene 1 lang yun, marami pang scenes na dapat pagdaanan.
--
Sige, move on na ko sa umagang ito. Hahahahaha! Hi Angelie! And Happy Birthday kay Kristal! :*
No comments:
Post a Comment